BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Thursday, April 8, 2010


Kaibigan

Ano nga ba ang isang kaibigan? Pano natin malalaman na sila na nga?

Ang kaibigan ay isang kapatid na sa anumang oras ng kagipita’y tumutulong. Maliban sa pamilya ang kaibigan ay isang sandigan kaharap ang buhay at ang bukas. Kabahagi sila sa saya , lungkot , kabiguan at tagumpay. Isang tao na lagi nating kasa-kasama, nakakausap at nahihingan natin ng pabor at kung ano pa man, madalas pa nga sa kanila natin naibubuhos ang problema at saya na sa loob natin. Parang kalahati na sila nang ating buhay, mangangarap tayo nang kasama sila, at haharapin ang bukas na nandiyan sila.

Sila ang tao na hindi natin namamalayang nariyan para sa atin. Sa mga kaibigan natin tayo nagiging totoo.

Kaibigan ay isa sa tunay na rumerespeto at nakakaintindi sa atin. Ang magkaroon ng pagkakaibigan na ito ay maaaring bumuo ng ating tiwala sa sarili, maaari minsan karamihan ay kulang nito, malaki ang maitutulong nila

Ang taong nakakasundo natin sa lahat ng bagay, at kung minsan pa man ay nagkakatampuhan. Parang isang regalo na pinagkaloob satin ng maykapal para gumabay at sumabay sa agos ng ating buhay.

Ano nga ba ang buhay kung walang kaibigan?

Marahil hindi natin alam kung san tayo tutungo, wala tayo mapagsasabihan ng problema at mapapansin nating parang may kulang sa buhay.

Wala kabuluhan ang buhay pag walang KAIBIGAN




0 comments:

Followers